Monday, December 29, 2008

bakit ayaw ko ng XMAS!!!!!

Naiisip ko tuloy yung mga bagay na ginagawa ko pag Christmas na nung bata pa ako…

pagkagising ko, bababa na ako I wasn’t able to fix my hair because of so much excitement.. oo sobrang ata ako namakita ang gift sa akin ni Santa Clause. Wow!!!!! Pagtingin ko, isang kahon ng curly tops, pretzel at yung chocolate na may shape ng egg!! After that bubulong ako sa bintana ng “THANK YOU SANTA!” TApos ayun, I’m going to show it off to my parents ( taray!)
maliligo at magbibihis na ako… naks!!! Susuotin ko na ang pamatay kong damit. Tipong ilang lingo bago ang Christmas ibibili na ako ni mama ng damit sa palengke. Hehehe!!! Oooppps! Wag kakalimutan ang lalagyan ng pera (pamasko).. kung ang ibang bata shoulder bag, handbag or wallet ang dala, BELT BAG ANG AKIN! –mukha akong nagbabahaybahay para maningil.
sasamahan na ako ni papa para makadelihensiya na ng pamasko. Sumasama pa nga ang loob ko pag regalo ang inaabot nila, nadidismaya lang ako pag binubuksan ko ang regalo hehehe… di kasi ako mahilig sa damit. Ayoko din ng laruan. Basta dapat pera.. malalaman niyo mamaya kung bakit.
eto na!!! at the end of the day, kami ng mga pinsan ko ay magtitipon tipon para bilangin ang mga napamaskuhan namin. Siyempre sinong pinakamarami, siya ang bida. Kainis lagi lang akong pang second.

WAIT LANg!!! ITO NAMAN YUNG MGA BAGAY NA KINAIINISAN KO PAG CHRISTMAS
ANG tindi ng mga namamasko, minsan Dec. 23 or 24 pa lang may nangangatok para mamasko. Yung iba nga di pa ako nakakapagtoothbrush nasa bahay na - - atat????? Nasa number 1 ata kami sa listahan nila kaya kami ang inuna. May mga banat pa silang “nagpunta kami ditto eh.. wala naman kayo. San ba kayo nagunta?” –hahaha!!! Dapat pa lamay pasabi kami ganun. Care naman naming sa inyo.
isa lang ang inaanak ni mama or ni papa pero huwag ka!!!!! Isang dosenang bata yata ang dala pati anak ng kapitbahay dala niya.
ok lang na maraming dala.. kaya lang ang lilikot nila!!! Promise. Nakailanmg saway na ako parang walang naririnig. Muntik na nilang magiba ang maliit naming Christmas tree.
at ito pa ang matindi. Yung inaanak ng mama ko, may asawa na, may anak na rin. Pero yung nanay niya nagpupunta pa sa amin para mamasko. –KAPAL GRABE!!! GINAWA NG NEGOSYO ANG PAMAMASKO. Never ko nga nakita yung kinakapatid ko na yun eh!!! May dala pa nga siyang maliit na bata na nagmana din ng kakapalang ng pagmumukha sa kaniya hehehe binigyan kasi ni mama ng tubig – kasi naman sobrang aga nila dumating kaya yun di pa naming napprepare ang mga pagkain. Pagkabigay ni mama ng tubig ang sagot ba naman ng bata “wala bang juice?” – hahaha pucha naman juice daw!!! Kapal.. eh mukha naman siyang batang “KALABIT PENGE”

buti nga lumipat na kami ng bahay atleast medyo payapa na ang pasko naming. Weh!! Di naman kasi nila alam san kami lumipat..

ayokong maging mean, pero napaplastikan ako pag Christmas ito daw kasi ang time of forgiving. Bakit naman din a lang nila gawin sa ibang araw? Dapat ba talagang hintayin pa yung Christmas bago magpatawad?? Plastic dib ba. Ito yung time na merong mga magtetext say o at babatiin ka ng MERRY CHRISTMAS di mo naman kilala kasi number lang yung nagaappear sa cp mo. Pag tinanong mo WHO ARE YOU?? Hahaha!! Siya pala ay isa sa mga taong pinilit mo ng kinalimutan at ng ok ka na… eto siya at parang walng nangyari at ang kapal ng mukha na magttext. Tae dib a???

Happy Birthday JESUS

Dec. 24 11:30pm… yan yung real date and time...

30 minutes to go it’s Jesus’ birthday!!!! Ang aga namin kumain 8:45 pa lang kumain na kami. Wala naman, we just went to Jollibee and we bought burgers and sundae(for me) hehehe!! Solve na kami dun. Hello!! 3 lang kami. Nadagdag lang si Ate Tin kaya 4.

When I was a little girl, I thought the one we have in New Year is what you called the “NOCHE BUENA” hahaha!!! I thought Noche Buena and Media Noche were the same. because we don’t usually celebrate the Christmas with the traditional way of having a “NOCHE BUENA” .

Wala lang, di lang siguro namin nakagawian. Simple lang naman ang ginagawa namin pag Dec. 24.. nagsisimba… tapos.. pupunta ng 7.11 or jollibee or minsan mcdo at oorder tapos sa bahay na kami kakain. Watch ng t.v… dvd kung meron. Tapos pag inatake na ng antok ayun matutulog na..
à parang normal lang ba??? Ganun lang naman ka simple yun.

One of the reason kasi.. hindi kami malakas kumain. Si mama on diet ayaw nun ng mataba, matamis basta yung mabigat sa tiyan.. so siyempre ako ganun na rin. Si papa naman konti lang din kumain kasi antukin yun. Yep pag di nakainom yun ang aga matulog. Sa aming tatlo mas mauuna matulog yun.

Bago siya pumanik sa room nila, lalagyan niya muna ng tubig yung tumbler niya… hehehe… para nga naman din na siya bababa para uminom pag nauhaw siya.

Before ako yung pinaka huling matulog. Pero now, ako na yung sunod kay papa. Pag umakyat na yun after 30 mins, ayun lalagyan ko na rin ng tubig yung tumbler ko at ako’y papanik na rin. Si mama na yung last na aakyat, kasi naman di niya mapanood yung mga gusto niya panoorin sa room nila kasi puro action pinapanood ni papa. Sa room ko naman palipat lipat ako ng channel ---- sabi ni mama nahihilo daw siya pag ako ang kasama niyang manood. Kaya pag napanood na niya yung mga gusto niyang panoorin tsaka na siya aakyat sa room nila papa.

Nung bata pa ako sabi ni mama gumising daw ako ng 12AM at batiin ko daw si papa jesus tapos magwish daw ako. Grabe!! Never ko ata nagawa yun. Kasi naman sa sobrang antok ko di ko na nagawang gumising ng 12am kaya sobrang nafrustrate ako kasi paggising ko ang taas na ng sikat ng araw… ang sabi ko na lang sa sarili ko “ ayan di ako nakagising, di tuloy ako nakapag wish” – (so, yung wish ko talaga yung inisip ko sa halip na yung bday ni papa jesus)

Ganyan lang namin naccelebrate ang Christmas eve… simple lang. di kami masyadong maarte ng pamilya ko eh. Ang mahalaga magkasama kami sa pagsalubong ng Christmas.

Friday, December 26, 2008

COMEDY SA TINDAHAN

Dec.23… 6:30pm.
Now ko lang na post wala kasing internet connection nung mga oras na yan..

Katatapos ko lang maligo. Sakto katatapos lang din ni mama maglaba. Inutusan niya akong isampay sa labas ang mga nilabhan niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasampay ko nang muntik ko ng mabitiwan yung pajama ko na isasampay ko. Aba naman, ikaw na ang makarinig ng 8 trumpets na sabay sabay tumunog kundi ka magulantang sa ingay. Mga hinayupak na yun. Nangangaruling pala sa tindahan namin. JOY TO THE WORLD pa nga ang napiling kanta. As in 10 ata sila at yung dalawa may hawak na.. pompiyang??? Tama ba? yun ba ang tawag dun? yung dalawang piraso na pinaguuntog??

Grabe! Ang ingay talaga. Mahigpit ata ang pangangailangan ng mga yun at pati yung tindahan sa tapat ng tindahan namin na sarado ay tinugtugan din.. sabi ko nga kay mama bakit tumugtog pa sila dun eh sarado naman. Ang sagot ni mama “ ganun talaga wala ng sinisino yan sila.. (parang nangaasar pa) tinanggap kasi nila yung sobre ayan tuloy kahit sarado o bukas sila sorry na lang” – ah yun pala ang rationale dun

Tapos nung nagkukuwentuhan kami nila ate tin, mama at ako sa tindahan, may dalawang batang nangaroling…… SA MAY BAHAY ANG AMING BATI…MERRY CHRISTMAS NA something something….

Hindi ko na tinapos yung kanta nila . PATAWAD! Sabi ko. Kahit naman tapusin nila yung kanta ganun pa din naman yung isasagot ko. Tapos yung isang bata, umepal ng sagot..

ATE, ANAK PO AKO NG NABILI DITO NG ULAM.- so, nagintroduce pa siya ng sarili niya. Parang gusto ko siyang sagutin ng “ CARE KO NAMAN” kaya lang sumagot na si mama…. “ ikaw ba yung anak ni…” - I forgot the name.

Hahahaha!!!! Astig yung bata nabigyan tuloy ng tumataginting na 3 PISO!
Yun pala sikreto dun. After mo kumanta magpapakilala ka kay mama..- nakakaloka

Tuesday, December 23, 2008

=P_R_I_M_I_T_I_V_E=

Every time I have a BF…. I always ended up with Mr. Wrong. Is sex very important in a relationship? Feel ko kasi SEX and LOVE are equal na lang… What made me said that? ‘pag may bf ako laging nasisingit ang SEX… ooooppssss!!!!! That’s not what you think ok/! We don’t sex. But every time na kaming dalawa lang they will do their effort to get into that scenario which made me annoyed. I’m not a slut. Hindi ba pwedeng may relationship without that??? They all do have the same reason… IT’S PART OF A MATURE RELATIONSHIP. – wow kumusta naman ang palusot!!!!! PERO napagisip isip ko din tama ba sila or talagang malibog Lang SILA. Kaya ayun pag nag attempt na sila ng ganun naiinis na ako. Wala na akong ganang makipagusap sa kanila. I considered them invisible for the rest of my life.

Oo naman open minded ako but not to that extent. Open minded ako in a way na open akong pagusapan yan but not to the point of doing that. Naku mukha lang akong ganito, pero primitive pa din ako noh! In my opinion, wala na yung true love pag ginawa niyo yun. Especially pag pinagbigyan mo na yung guy.. NAKU!!! For sure hihirit pa yan. Nandun kasi yung ego nila. I sometimes got confuse kung normal na ba talaga yun sa ngayon or talagang primitive lang ako. Ano masasabi niyo???

What do I look for in a relationship? Well syempre gusto ko we have the same interests I don’t believe that opposite attracts. Tsaka maganda yung may stong foundation ng friendship yung relationship naming. Gusto ko yung tipong di puro lambingan lang ang alam yun bang we share our points of view in a certain topic ganun. Hindi puro sex, susme! Magagawa niyo naman yan pag magasawa na kayo noh! Gusto niyo magleave pa kayo sa work niyo for 1 month tapos puro ganun ang gawin niyo – try niyo lang… ewan ko kung di kayo magsawa.

Kainis talaga ang mga lalaking ganun. Kaya ako, I’d rather be single and happy than to be with those idiots! Walang mga respeto sa babae.

Pero kung yun na talaga ang trend sa ngayon.. ahmm.. dapat na ba akong kabahan at di malayong maging SINGLE AKO FOREVER ..---huhuhuhu katakot..

Tigangna ako forever??? Huwag naman… I do believe na may mga good guys pa jan na naliligaw. Besides di naman ako nagmamadali nod! Pero kung umabot na sa 30 ang age ko.. ABA’Y TEKA LANG dapat na ko magmadali noh! Feel ko mumurahin na ako ng mga egg cells ko sa time nay un..

Galit ka Ba???


i was about to post this in friendster's bulletin but for some stupid reasons i changed my mind... i would rather kept this inside myself because one of the reasons was... im afraid of rejection.


Sana magkarron ka ng time nabasahin ‘to kasi para talaga ‘to sayo.

It’s been 5 or 6 yrs since the last time we talked…. Bakit nawala?? Nasaan na yung friendship na nabuo natin??? Galit ka ba??? Pakiramdam ko di ko na dapat tanungin. I should know the answer. Ano bang kasalanan ko? Bakit all of a sudden nawala na lang..

Kung galit ka sabihin mo na please… ang hirap kasi makiramdam. Torture!!! Oo feel ko nattorture ako. It’s too difficult to accept that I was no longer included in your life.
Kung may kasalanan ako paki sumbatan naman ako oh!!! Please. Mas gusto kong sumbatan mo ako at sabihan ng masasakit na salita kaysa sa ganito…

Ikaw!!! Oo ikaw nga. Wag ka na magdalawang isip kung ikaw nga ba yung sinasabihan ko… kasi tama ka. Ikaw nga yun.( sana tinatamaan ka) ok lng na sumbatan mo ako aminado naman ako na mali ako…. I NEVR VALUE OUR FRIENDSHP.

I should consider this as one of the regrets in my life…….. sana na mimiss mo din yung friendship natin gaya ng pagkamiss ko sa ‘yo ngayon… I really miss you to the point na naiiyak ako.

Sumbatan mo na ako please!!! I’m begging. Gusto ko malaman exactly ano ba talaga ang mali ko though I know na may mali talaga ako. I miss someone like you, ready makinig sa mga gusto kong sabihin, nakikiride sa mga moodswings ko and always there for me.

I miss you a lot. Pls.. that would be the last favor na hihingin ko sayo after that I promise di n ako magpaparamdam sayo kung yan ang gusto mo. Ayoko ng imention ang name mo, I think this will be enough para marealize mo na ikaw ang tinutukoy ko.

Ang dami nang nagyari sa buhay ko, I thought isa ka lng sa mga friends ko na pag nawala ay ok lng.. bakit di kita makalimutan.. na miss na kita..

I’m praying to God na sana if ever na ,magkita tayo pansinin mo ako.. I wish you could give me a warm hug na never mo nagawa or never ko nagawa when we’re still friends.

Everytime na nririnig ko yung song na SEPARATE LIVES I can’t help my self na isipin what had happened to us. “there are no ways to compromise, so now we’re living separate lives” … “ so YOU build that wall, yes, you build that wall and you make it stronger” – these were the lines of the song that reminded me of you..

I can’t take the initiative to say sorry kasi baka di mo pansinin…. (natatakot ako)

Pakiramdam ko sobrang baliwala na talaga ako… pag namatay ba ako will u still care na pumunta sa libing ko???

I miss you friend!!!!! A million sorry.. now ko na realized mas importante ang friendship kaysa sa love life…. I got overwhelmed that’s why I took you for granted..

I miss you…. Sorry.. sorry… sorry…
This will be my first and last time na magsosorry ako sayo. Ayoko na din makagulo…
Merry Christmas…

Thursday, December 18, 2008

Virgin???

yehey!!!!! sa wakas may blog na din ako... ano ba masasabi ko??? hmmm di naman cguro 'to nangangain ng tanga, kaya nga inaalam ko dba.. well, as of now medyo ok na ako kasi nabawasan na mga workload ko. konting edit jan edit dito.. ok na.. weeeee.... ay oo nga pala gagawa pa ako sa research may naiwan pa akong dapat asikasuhin dun ano ba yan pero hindi at this very moment nakakarmdam ako ng katamaran mamaya ko na gagawin yun.. utang utang na ako dun kulang na lang pati sa pagtae ko nursing research ang nasa isip ko.

pati nga sa pagsisimba ako at sa prayers ko akalain mong kasama na yan sa mga panalangin ko. kainis diba?! oo nga pala dun sa makakabasa at sa balak basahin ang blog ko naku pls lng wag niyo n ipaalam na namasa niyo 'to ha kasi nahihiya ako (ay ang arte) wala lng di naman kasi ako sanay ipangalandakan sa buong tao kung anong tumatakbo sa isip ko.. sanay kasi ako sa diary lang... dun ko sinusumpa yung mag taong kinaiinisan ko tsaka dun ko nilalagay yung mga kung anu anong kachorvahan na naiisip ko tapos now itong blog mababasa niyo?? (hiya ako) -> ang arte talaga!

hmmm... wala akong maisip na topic as in specific na topic para sa aking first blog... ang sami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon (lagi anman eh).. ay oo nga pala yung kanina sa jeep...

may mga nursing student akong nakasabay isang lalaki at isang babae so halfway na kami ng biyahe bigla silang nagtanong "mama, dadaan ba ito ng Salamanca?" susme! nagtaka kami -kailan pa napunta sa San Antonio ang Salamanca? kainis di ba.. ayun laos ang beauty ng lolah mo bumaba sila sobrang init pa naman ng sikat ng araw kanina..

weee!!!!! mamaya dadaan ako sa tita ko, dun ako magstay wala lang new kasi yung house niya at natutuwa ako mint green yung color ng house niya natawa ako lahat as in green pati electricfan green lahat tlga.. tsaka namimiss ko din tita ko ialng yrs na din yun di umuwi dito at pag nauwi siya busy ako sa school so ngayon rain or shine tutuloy talaga ako.

oh, panoh alis muna ako ha magpapadownload ako ng mga songs sa MP5 ni mama.. gusto kasi niya yung pang party people para ginaganahan siya sa pag eexercise sa umaga.. grabe natatawa nga ako kasi paggising ko sa umaga fresh na fresh pa ako pag baba ko siya wet look na sa pawis.

wala lang pinapanood ko lang siya habang ako ay umiinom ng milo.. tapos niyayaya niya ako ayoko lang kasi una sa lahat tinatamad akong kumilos sa umaga.. hahaha mas mataba n nga ako sa kaniya now di tulad ng dati yung braso niya hita ko na... masigasig mag exercise si mama kaya ganun.. oh sige papadownload na ako! bye..