Thursday, December 18, 2008

Virgin???

yehey!!!!! sa wakas may blog na din ako... ano ba masasabi ko??? hmmm di naman cguro 'to nangangain ng tanga, kaya nga inaalam ko dba.. well, as of now medyo ok na ako kasi nabawasan na mga workload ko. konting edit jan edit dito.. ok na.. weeeee.... ay oo nga pala gagawa pa ako sa research may naiwan pa akong dapat asikasuhin dun ano ba yan pero hindi at this very moment nakakarmdam ako ng katamaran mamaya ko na gagawin yun.. utang utang na ako dun kulang na lang pati sa pagtae ko nursing research ang nasa isip ko.

pati nga sa pagsisimba ako at sa prayers ko akalain mong kasama na yan sa mga panalangin ko. kainis diba?! oo nga pala dun sa makakabasa at sa balak basahin ang blog ko naku pls lng wag niyo n ipaalam na namasa niyo 'to ha kasi nahihiya ako (ay ang arte) wala lng di naman kasi ako sanay ipangalandakan sa buong tao kung anong tumatakbo sa isip ko.. sanay kasi ako sa diary lang... dun ko sinusumpa yung mag taong kinaiinisan ko tsaka dun ko nilalagay yung mga kung anu anong kachorvahan na naiisip ko tapos now itong blog mababasa niyo?? (hiya ako) -> ang arte talaga!

hmmm... wala akong maisip na topic as in specific na topic para sa aking first blog... ang sami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon (lagi anman eh).. ay oo nga pala yung kanina sa jeep...

may mga nursing student akong nakasabay isang lalaki at isang babae so halfway na kami ng biyahe bigla silang nagtanong "mama, dadaan ba ito ng Salamanca?" susme! nagtaka kami -kailan pa napunta sa San Antonio ang Salamanca? kainis di ba.. ayun laos ang beauty ng lolah mo bumaba sila sobrang init pa naman ng sikat ng araw kanina..

weee!!!!! mamaya dadaan ako sa tita ko, dun ako magstay wala lang new kasi yung house niya at natutuwa ako mint green yung color ng house niya natawa ako lahat as in green pati electricfan green lahat tlga.. tsaka namimiss ko din tita ko ialng yrs na din yun di umuwi dito at pag nauwi siya busy ako sa school so ngayon rain or shine tutuloy talaga ako.

oh, panoh alis muna ako ha magpapadownload ako ng mga songs sa MP5 ni mama.. gusto kasi niya yung pang party people para ginaganahan siya sa pag eexercise sa umaga.. grabe natatawa nga ako kasi paggising ko sa umaga fresh na fresh pa ako pag baba ko siya wet look na sa pawis.

wala lang pinapanood ko lang siya habang ako ay umiinom ng milo.. tapos niyayaya niya ako ayoko lang kasi una sa lahat tinatamad akong kumilos sa umaga.. hahaha mas mataba n nga ako sa kaniya now di tulad ng dati yung braso niya hita ko na... masigasig mag exercise si mama kaya ganun.. oh sige papadownload na ako! bye..

No comments:

Post a Comment