Dec.23… 6:30pm.
Now ko lang na post wala kasing internet connection nung mga oras na yan..
Katatapos ko lang maligo. Sakto katatapos lang din ni mama maglaba. Inutusan niya akong isampay sa labas ang mga nilabhan niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasampay ko nang muntik ko ng mabitiwan yung pajama ko na isasampay ko. Aba naman, ikaw na ang makarinig ng 8 trumpets na sabay sabay tumunog kundi ka magulantang sa ingay. Mga hinayupak na yun. Nangangaruling pala sa tindahan namin. JOY TO THE WORLD pa nga ang napiling kanta. As in 10 ata sila at yung dalawa may hawak na.. pompiyang??? Tama ba? yun ba ang tawag dun? yung dalawang piraso na pinaguuntog??
Grabe! Ang ingay talaga. Mahigpit ata ang pangangailangan ng mga yun at pati yung tindahan sa tapat ng tindahan namin na sarado ay tinugtugan din.. sabi ko nga kay mama bakit tumugtog pa sila dun eh sarado naman. Ang sagot ni mama “ ganun talaga wala ng sinisino yan sila.. (parang nangaasar pa) tinanggap kasi nila yung sobre ayan tuloy kahit sarado o bukas sila sorry na lang” – ah yun pala ang rationale dun
Tapos nung nagkukuwentuhan kami nila ate tin, mama at ako sa tindahan, may dalawang batang nangaroling…… SA MAY BAHAY ANG AMING BATI…MERRY CHRISTMAS NA something something….
Hindi ko na tinapos yung kanta nila . PATAWAD! Sabi ko. Kahit naman tapusin nila yung kanta ganun pa din naman yung isasagot ko. Tapos yung isang bata, umepal ng sagot..
ATE, ANAK PO AKO NG NABILI DITO NG ULAM.- so, nagintroduce pa siya ng sarili niya. Parang gusto ko siyang sagutin ng “ CARE KO NAMAN” kaya lang sumagot na si mama…. “ ikaw ba yung anak ni…” - I forgot the name.
Hahahaha!!!! Astig yung bata nabigyan tuloy ng tumataginting na 3 PISO!
Yun pala sikreto dun. After mo kumanta magpapakilala ka kay mama..- nakakaloka
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehe.. adik ka talga kate!
ReplyDelete