Dec. 24 11:30pm… yan yung real date and time...
30 minutes to go it’s Jesus’ birthday!!!! Ang aga namin kumain 8:45 pa lang kumain na kami. Wala naman, we just went to Jollibee and we bought burgers and sundae(for me) hehehe!! Solve na kami dun. Hello!! 3 lang kami. Nadagdag lang si Ate Tin kaya 4.
When I was a little girl, I thought the one we have in New Year is what you called the “NOCHE BUENA” hahaha!!! I thought Noche Buena and Media Noche were the same. because we don’t usually celebrate the Christmas with the traditional way of having a “NOCHE BUENA” .
Wala lang, di lang siguro namin nakagawian. Simple lang naman ang ginagawa namin pag Dec. 24.. nagsisimba… tapos.. pupunta ng 7.11 or jollibee or minsan mcdo at oorder tapos sa bahay na kami kakain. Watch ng t.v… dvd kung meron. Tapos pag inatake na ng antok ayun matutulog na..
à parang normal lang ba??? Ganun lang naman ka simple yun.
One of the reason kasi.. hindi kami malakas kumain. Si mama on diet ayaw nun ng mataba, matamis basta yung mabigat sa tiyan.. so siyempre ako ganun na rin. Si papa naman konti lang din kumain kasi antukin yun. Yep pag di nakainom yun ang aga matulog. Sa aming tatlo mas mauuna matulog yun.
Bago siya pumanik sa room nila, lalagyan niya muna ng tubig yung tumbler niya… hehehe… para nga naman din na siya bababa para uminom pag nauhaw siya.
Before ako yung pinaka huling matulog. Pero now, ako na yung sunod kay papa. Pag umakyat na yun after 30 mins, ayun lalagyan ko na rin ng tubig yung tumbler ko at ako’y papanik na rin. Si mama na yung last na aakyat, kasi naman di niya mapanood yung mga gusto niya panoorin sa room nila kasi puro action pinapanood ni papa. Sa room ko naman palipat lipat ako ng channel ---- sabi ni mama nahihilo daw siya pag ako ang kasama niyang manood. Kaya pag napanood na niya yung mga gusto niyang panoorin tsaka na siya aakyat sa room nila papa.
Nung bata pa ako sabi ni mama gumising daw ako ng 12AM at batiin ko daw si papa jesus tapos magwish daw ako. Grabe!! Never ko ata nagawa yun. Kasi naman sa sobrang antok ko di ko na nagawang gumising ng 12am kaya sobrang nafrustrate ako kasi paggising ko ang taas na ng sikat ng araw… ang sabi ko na lang sa sarili ko “ ayan di ako nakagising, di tuloy ako nakapag wish” – (so, yung wish ko talaga yung inisip ko sa halip na yung bday ni papa jesus)
Ganyan lang namin naccelebrate ang Christmas eve… simple lang. di kami masyadong maarte ng pamilya ko eh. Ang mahalaga magkasama kami sa pagsalubong ng Christmas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment