Naiisip ko tuloy yung mga bagay na ginagawa ko pag Christmas na nung bata pa ako…
pagkagising ko, bababa na ako I wasn’t able to fix my hair because of so much excitement.. oo sobrang ata ako namakita ang gift sa akin ni Santa Clause. Wow!!!!! Pagtingin ko, isang kahon ng curly tops, pretzel at yung chocolate na may shape ng egg!! After that bubulong ako sa bintana ng “THANK YOU SANTA!” TApos ayun, I’m going to show it off to my parents ( taray!)
maliligo at magbibihis na ako… naks!!! Susuotin ko na ang pamatay kong damit. Tipong ilang lingo bago ang Christmas ibibili na ako ni mama ng damit sa palengke. Hehehe!!! Oooppps! Wag kakalimutan ang lalagyan ng pera (pamasko).. kung ang ibang bata shoulder bag, handbag or wallet ang dala, BELT BAG ANG AKIN! –mukha akong nagbabahaybahay para maningil.
sasamahan na ako ni papa para makadelihensiya na ng pamasko. Sumasama pa nga ang loob ko pag regalo ang inaabot nila, nadidismaya lang ako pag binubuksan ko ang regalo hehehe… di kasi ako mahilig sa damit. Ayoko din ng laruan. Basta dapat pera.. malalaman niyo mamaya kung bakit.
eto na!!! at the end of the day, kami ng mga pinsan ko ay magtitipon tipon para bilangin ang mga napamaskuhan namin. Siyempre sinong pinakamarami, siya ang bida. Kainis lagi lang akong pang second.
WAIT LANg!!! ITO NAMAN YUNG MGA BAGAY NA KINAIINISAN KO PAG CHRISTMAS
ANG tindi ng mga namamasko, minsan Dec. 23 or 24 pa lang may nangangatok para mamasko. Yung iba nga di pa ako nakakapagtoothbrush nasa bahay na - - atat????? Nasa number 1 ata kami sa listahan nila kaya kami ang inuna. May mga banat pa silang “nagpunta kami ditto eh.. wala naman kayo. San ba kayo nagunta?” –hahaha!!! Dapat pa lamay pasabi kami ganun. Care naman naming sa inyo.
isa lang ang inaanak ni mama or ni papa pero huwag ka!!!!! Isang dosenang bata yata ang dala pati anak ng kapitbahay dala niya.
ok lang na maraming dala.. kaya lang ang lilikot nila!!! Promise. Nakailanmg saway na ako parang walang naririnig. Muntik na nilang magiba ang maliit naming Christmas tree.
at ito pa ang matindi. Yung inaanak ng mama ko, may asawa na, may anak na rin. Pero yung nanay niya nagpupunta pa sa amin para mamasko. –KAPAL GRABE!!! GINAWA NG NEGOSYO ANG PAMAMASKO. Never ko nga nakita yung kinakapatid ko na yun eh!!! May dala pa nga siyang maliit na bata na nagmana din ng kakapalang ng pagmumukha sa kaniya hehehe binigyan kasi ni mama ng tubig – kasi naman sobrang aga nila dumating kaya yun di pa naming napprepare ang mga pagkain. Pagkabigay ni mama ng tubig ang sagot ba naman ng bata “wala bang juice?” – hahaha pucha naman juice daw!!! Kapal.. eh mukha naman siyang batang “KALABIT PENGE”
buti nga lumipat na kami ng bahay atleast medyo payapa na ang pasko naming. Weh!! Di naman kasi nila alam san kami lumipat..
ayokong maging mean, pero napaplastikan ako pag Christmas ito daw kasi ang time of forgiving. Bakit naman din a lang nila gawin sa ibang araw? Dapat ba talagang hintayin pa yung Christmas bago magpatawad?? Plastic dib ba. Ito yung time na merong mga magtetext say o at babatiin ka ng MERRY CHRISTMAS di mo naman kilala kasi number lang yung nagaappear sa cp mo. Pag tinanong mo WHO ARE YOU?? Hahaha!! Siya pala ay isa sa mga taong pinilit mo ng kinalimutan at ng ok ka na… eto siya at parang walng nangyari at ang kapal ng mukha na magttext. Tae dib a???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehe.. adik ka kate! wahaha.. happy holidays sayo!!!
ReplyDeleteMabuhay ang mga batang namamasko!!!